Top 1 most wanted person ng QCPD, arestado

38

Naaresto ng mga operatiba ng Police Station 10 ang top 1 most wanted person ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo ang suspek na si Cerbe Onze, 20-anyos, isang Grab driver at residente ng Brgy. Roxas District.


Hindi na nakapalag si Onze nang matiyempuhan siya sa isang botika sa Dr. P. Garcia corner Quezon Avenue, Brgy. Paligsahan.

Isinilbi sa kaniya ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Fernando Sagun Jr. ng QC Regional Trial Court Branch 78.

Nakatakda namang iharap ang suspek sa korte upang harapin ang kaso nitong rape.

Facebook Comments