TOP 8 REGIONAL MOST WANTED SA KASONG RAPE, ARESTADO SA STA. BARBARA

Arestado ang isang lalaking kabilang sa Top 8 Regional Most Wanted Persons dahil sa Sta. Barbara, Pangasinan noong Oktubre 13, 2026.

Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, ang suspek ay isang 30-anyos na residente ng nasabing bayan.

Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 266 o statutory rape, at dalawang bilang ng rape by sexual assault, na walang inirekomendang piyansa.

Pinangunahan ng Sta. Barbara Municipal Police Station ang operasyon, katuwang ang Regional Intelligence Unit 1–Provincial Intelligence Team Pangasinan at Provincial Intelligence Unit ng Pangasinan PPO.

Nasa kustodiya na ng Sta. Barbara MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon at karagdagang prosesong legal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments