IKALAWANG CHILDREN’S RIGHTS CARAVAN, ISINAGAWA SA ALAMINOS CITY

Isinagawa sa Barangay San Vicente, Alaminos City ang ikalawang batch ng Kariton ng Karunungan: Children’s Rights Caravan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.

Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng mga bata at mamamayan tungkol sa mga karapatan ng kabataan, gayundin ang pagpapalaganap ng kamalayan sa mga paraan upang mapangalagaan ang kanilang kaligtasan, proteksyon at kapakanan.

Ang programa ay inorganisa ng Alaminos City Council for the Protection of Children sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Arth Bryan Celeste, katuwang ang City Social Welfare and Development Office o CSWDO.

Tinalakay rin sa caravan ang kahalagahan ng pagprotekta sa sarili at kung saan maaaring humingi ng tulong ang mga batang nakararanas ng pang-aabuso o paglabag sa kanilang mga karapatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments