Aabot sa ₱48,000 ang halaga ng 400 gramo ng tuyong marijuana na nasamsam ng mga pulis sa buy-bust operation sa Villasis, Pangasinan noong Oktubre 13, 2026.
Ayon sa Villasis Municipal Police Station, arestado sa operasyon ang isang 46-anyos na magsasaka sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Bukod sa marijuana, nakumpiska rin ang 0.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,040, isang homemade na caliber .22 revolver, at apat na bala.
Kinilala ang suspek na residente ng Villasis. Patuloy naman ang kaukulang proseso ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











