PASIKLABAN DANCE CONTEST YEAR 3, MULING ILULUNSAD SA DAGUPAN CITY; ₱45,000 KABUUANG PREMYO, NAKATAKDANG IBAHAGI

Muling bibigyang-pagkakataon ang mga kabataang Dagupeño na ipakita ang kanilang talento sa pagsasayaw sa pagbabalik ng Pasiklaban Dance Contest Year 3 bilang bahagi ng Music Festival and Kabataan Night 2026.

Gaganapin ang kompetisyon sa Disyembre 14, alas-5:00 na may temang “Bata, Pasko Na! Hatid ay Biyaya, Kalinga at Saya.”

Hinati ang patimpalak sa dalawang kategorya, ang Kids Category para sa edad 7 hanggang 12 at Teens Category para sa edad 13 hanggang 16 na taong gulang.

Makakatanggap ng ₱15,000 kampeon sa Kids Category, habang ₱30,000 naman angnakalaang pangunahing premyo sa Teens Category.

Bukas ang kompetisyon sa mga school-based at community-based dance groups na may anim hanggang sampung miyembro bawat grupo.

Itinakda naman sa Disyembre 10 ang huling araw ng pagpapasa ng aplikasyon.

Layunin ng patimpalak na maitaguyod ang talento at pagkamalikhain ng kabataang Dagupeño ngayong Kapaskuhan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments