Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Fair 2019 Local and Overseas Mega Job Fair ng PESO Mandaluyong, kasado na ngayong araw

Kasado na ngayong araw ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Fair 2019 Local and Overseas Mega Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) ng Mandaluyong City.

Naimbitahan din ang DZXl Radyo Trabaho na makiisa sa nasabing aktibidad at kanilang official radio partner.

Magsisimula ang Mega Job Fair mamayang alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon sa Atrium Executive Building ng Mandaluyong City Hall.


Nasa 20 direct employers ang kanilang iinimbitahan, siyam na local manpower agencies at apat na overseas recruitment agencies.

Ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Fair ay handog para sa kaarawan ni Mayor Menchie Abalos.

Ano pa ang hinihintay ninyo, magdala na ng madaming resume at mag-apply na.

Radyo trabaho. Walang personalan, trabaho lang!

Facebook Comments