TUCP, duda sa hakbang ECOP at DOLE sa pagregular ng kanilang mga manggagawa

Manila, Philippines – Duda ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa kahandaan ng mga amo na nasa ilalim ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na boluntaryong iregular ang kanilang mga empleyado.

Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, hindi kapani-paniwala ang hakbang ng ECOP at Department of Labor and Employment (DOLE) dahil wala namang pormal na kasulatan ang mga empleyado na kanilang panghahawakan na regular na sila sa trabaho.

Sinabi pa ni Mendoza na wala ring isinagawang validation at walang kinuhang mga workers representative sa nangyaring usapan ss pagitan ng ECOP at DOLE.


Hinala ng TUCP, isa lamang itong palabas ng mga abusadong mga employers upang hindi na isailalim sa labor inspection ang kanilang mga kumpanya at pagawaan.

Hinamon ng TUCP ang ECOP at DOLE na gawing bukas sa validation at ipa double-check sa mga labor groups ang kasunduan kaugnay sa mga niregular na mga manggagawa.

Facebook Comments