Tumaob na kotse sa EDSA-Kamuning, nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko

Manila, Philippines – Nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko ang isang tumaob na kotse sa EDSA-Kamuning northbound sa Quezon City.

 

Pasado alas-3:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente at tuluyang nai-alis bago mag-alas 7:00 ng umaga.

 

Sinasabing nakatulog ang hindi pa nakikilalang driver ng kotse na may plate number na NRS-100 kaya’t sumpalpok ito sa barrier kung saan ligtas naman siya sa aksidente.

 

Nagbanggan naman ang isang motorsiklo at taxi sa EDSA Ortigas intersection kaya’t nagkaroon din ng bigat ng daloy ng trapiko dito bago mag-alas 8;00 ng umaga habang isang closed van naman ang tumirik sa Ayala tunnel sa Makati City.




Facebook Comments