TUTULUNGAN | Tulong sa mga uuwing OFW mula Kuwait, pinapatiyak ni Senator Binay

13

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Nancy Binay sa pamahalaan na tiyaking may tulong na maibigigay sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs na uuwi mula sa Kuwait.

Kabilang sa mga ahensyang pinapakilos ni binay ang Dept of Labor, Dept of Foreign Affairs, at Overseas Workers Welfare Administration.

Ipinaliwanag ni Binay na dala ng hirap ng buhay dito sa pilipinas kaya napakarami sa ating mga kababayan ang napipilitang makipagsapalaran sa ibayong dagat.

Nangangamba si Senator Binay na kung walang ayuda na matatanggap ang mga uuwing OFWs ay posibleng mapilitan ang mga ito na bumaik sa Kuwait kahit sa ilegal na pamamaraan.

Facebook Comments