Umamin na dating Abu-Sayyaf Member at pamangkin ni ASG Leader Aldam Tilao alyas Abu Sabaya, nakunan ng mga armas sa Negros Occidental

35

Negros Occidental – Arestado sina Absner Kudarat, 28 anyos at Sandy Habibullah alyas “starring” 24 anyos ng Jolo Sulu at Isabela, Basilan matapos inireklamo na nanutok ng baril sa mag-amang Totong at Jaymar Abayon sa San Diego Aidsi sa Barangay E. Lopez Silay City, Lunes ng umaga at nakuha sa kanilang posisyon ang dalawang 45 caliber pistol, 357 at isang granada.

Inamin naman ni Kudarat sa DYHB na dating itong miyembro ng Abu Sayaff Group mula 1999 hanggang 2004 at close in bodyguard na pamangkin ni ASG leader Abu Sabaya.

Inamin rin nito ang mga nakuha na mga baril sa kanya kasama ang isang armalite riffle sa bahay ng kanyang live-in partner.

Ang mga suspek ang kinasuhan na ng illegal possession of firearms and explosive.

DZXL558

Facebook Comments