
Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na wala siyang rason para pagdudahan ang medical leave ni Sen. Loren Legarda.
Ayon kay Lacson, naniniwala siyang may basehan ang medical leave ni Legarda sa kanyang pag-alis ng bansa.
Katunayan ay tumawag sa kanya si Legarda nang nasa ibang bansa na ito at iniinda ang kanyang baga at totoong may nararamdaman ang senadora na kailangang ipagamot.
Sa pag-uusap nila ay dinig na malungkot at tila gustong maiyak ng senadora.
Hindi na tinanong ni Lacson kung nasaan si Legarda at ang mahalaga aniya ay naririnig niya ang boses ng mambabatas at ligtas ito.
Dagdag pa ni Lacson, nalulungkot naman sila ni Senator Tito Sotto III sa pag-iwan sa kanila ni Legarda dahil matagal na aniya silang magkakasama na tinaguriang mythical five.
Iginiit pa ni Lacson na fake news ang paghingi ng asylum ni Legarda sa ibang bansa dahil wala pa naman itong kaso.










