
Kumbinsido ang Defense Team sa naging ruling ng presiding officer matapos nilang hilingin na iwasan na sana ang paggamit ng mga di kanais-nais na salita sa nagaganap na impeachment trial sa Senado.
Nabatid na naghain ng manifestation ang defense counsel na paalalahanan sana ang prosecution na iwasang gumamit ng mga salita kagaya ng “scam,” “mastermind” at “nagsisinungaling” sa paglilitis.
Ayon kay Atty. Michael Poa, naiitindihan naman nito na may estratehiya ang prosekusyon at maging umano sila sa kanilang pagkakataon ay magiging “mindful” sa mga bibitawan nilang salita.
Ayon kay Poa, mahalaga na naidulog nila ito lalo na sa panahon ngayon na mabilis na ang social media na kahit na winithdraw ang mga salitang ito ay nagkakaroon pa rin ito ng buhay sa kaisipan ng publiko.










