Naging mapayapa ang unang araw ng pangangampanya ng mga local candidates sa buong bansa kaugnay sa gaganaping May 9, 2022 elections.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo walang naitalang anumang untoward incident ang PNP at umaasa sila magtutuloy-tuloy ito hanggang matapos ang eleksyon sa Mayo.
Bukod dito wala rin natatanggap na banta sa seguridad ng bansa ang PNP kaugnay sa gaganaping halalan.
Sa ngayon, maliban sa 40,000 pulis na naka-deploy para magsagawa ng Commission on Elections (COMELEC) checkpoint nationwide.
Kinumpirma ni Fajardo na nagdagdag ang PNP nang nasa 37,000 pulis para tumulong sa pagbibigay ng seguridad.
Facebook Comments