Nakatakda nang umalis bukas July 10 at 11 ang una at ikalawang batch ng pilgrims para dumalo sa Hajj pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia.
Ngayong araw, sumasailalim na sa predeparture orientation seminar ang mga paalis na pilgrims sa Golden Mosque sa Quiapo Maynila.
Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos Director Jun Alonto Ramos, dadaluhan ng ilang government officials, diplomatic corps at company representatives ang Hajj send off ceremony bukas sa Naia Terminal 1 kabilang sina NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, Foriegn Affairs Secretary Teodoro Locsin at Saudi Ambassador to the Philippines Dr. Abdulla bin Nasser al-Bussairy.
Para sa 2019 Hajj, abot sa 7,163 Muslim Filipinos ang dadalo sa pilgrimage na nakatakda sa Agosto 10 at 11.
Sa kabuuang bilang, 6,973 dito ay mga pilgrims at 90 ang mga miyembro ng NCMF Supervisory and Medical Teams at 100 VIPs and entourage ng amerul haj.