Unang skydiving attempt ni Matteo Guidicelli, naging matagumpay!

47

Matagumpay at ligtas ang naging unang skydiving attempt ni Kapamilya actor-singer Matteo Guidicelli noong Pebrero 25.

Sa Facebook video ni Snooky Cruz, skydiving instructor ng WCC Aviation Company, Binalonan, Pangasinan Campus, halatang-halatang kabadong-kabado si Matteo.

Sinabi rin ng aktor habang nasa ere ang mga salita na “I love you, love, I love you, Sarah” at “I love you mama, papa, Georgia…”

Pagka-landing ni Matteo ay napamura ang aktor at nabanggit niya na muntik na siya mapaihi sa pantalon sabay sabi “Thank you, Lord!”

Facebook Comments