UST Dean Nilo Divina, dumepensa sa disbarment case na isinampa laban sa kanya

Manila, Philippines – Minaliit lamang ni UST Civil Law Dean Nilo Divina ang disbarment case na isinampa laban sa kanya ni Patricia Bautista, maybahay ni COMELEC chairman Andres Bautista.

Ayon kay Divina, naayon ang kanyang mga aksyon sa kanyang propesyon bilang abogado.

Tiniyak din ni Divina na sasagutin niya ang reklamo ni Bautista sa sandaling matanggap niya ang kopya nito.


Naniniwala rin si Dean Divina na ginawa ito ng kampo ni Mrs. Bautista matapos itong mabigo na mapa-impeach sa Kongreso si Chairman Andres Bautista.

Facebook Comments