Vegetable vendor tiklo sa droga ng PP1

Tiklo ang isang 35 anyos na lalake matapos na magsagawa ng drug operation ang mga tauhan ni Police station 1 commander PCI Reynaldo Delanten at mga barangay officials ng Poblacion Mother ni kap Nasser Usaman at mga tanods sa buliao dakong alas onse ng umaga kahapon. Kinilala ang nahuling suspect nasi Tao Labungan Sumndad na resident eng Jose Lim sr.street extension ng nasabi ding barangay..Nakuha sa kanyang position ang tatlong sachet ng shabu. Ayon sa report, matagal na umanong namonitor ng kapulisan ang pagkasangkot ng suspect sa kalakaran ng droga ,kung kayat matapos na maibalik sa kanila ang kampanya sa War on Drugs ay kanila ikinasa ang drug operation…Siya nakapiit na ngayon sa lock-up cell ng PP1 at nahaharap sakasong paglabag sa RA-9165. Samantala Pormal ng sinampahan kahapon ng kaso ng PP2 ang tindero ng pastel na nagsa-sideline ng pagtutulak ng droga sa mga vendors sa gilid ng CRMC…Kasong paglabag sa section5,11 at 15 ng RA-9165 ang kinakaharap ng suspect nasi Allan Diragen Sarigan na resident eng barangay RH-10. Isang drug buy bust operation ang ikinasa ni PCI Efren Salazar sa suspect kamakalawa ng gabi makaraan malaman ng mga intel operatives na maliban sa pagtitinda nito ng pastel sa lugar ay nagbebenta din ito ng droga. Kayat ng iabot ng suspect ang isang sachet sa isang pulis na nag test buy at iniabot din ng pulis ang 500 pesos ay doon na siya hinuli…Inaasahang patuloy ang follow-up drug operation ni PCI Salazar makaraang kumanta ang suspect kung saan source ng droga.

Facebook Comments