Vendor sa Santiago City, Timbog Matapos Masamsaman ng Marijuana!

*Santiago City, Isabela –* Arestado ang isang tindero matapos masamsaman ng ipinagbabawal na gamot kahapon sa lungsod ng Santiago.

Kinilala ang nadakip na si Albert Galasi Cauinian, 38 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Naggasican, Santiago City, Isabela.

Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, nadakip ang lalaki matapos makatanggap ng tawag ang PNP Santiago City mula sa isang concerned citizen na ito ay nanggugulo sa nasabing lugar.
Sa pagresponde ng mga pulis ay narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang mga tuyong dahon ng marijuana.


Ayon pa sa PNP Santiago City, una nang naaresto ang suspek dahil sa pagnanakaw at paglabag sa RA 9165 noong Pebrero 2015.

Sa ngayon ay nasa himpilan na ng pulisya si Cauinian na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensivge Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments