Veteran at award-winning actress na si Anita Linda, pumanaw na

Pumanaw nitong Miyerkoles ang beterana at award-winning actress na si Anita Linda dulot ng heart failure. Siya ay 95 taong gulang.

Ipinost ng direktor na si Adolf Alix Jr., isa sa mga nakatrabaho noon ng showbiz icon, ang malungkot na balita sa kaniyang Instagram account.


“This is a very sad day for me. I am trembling as I am gathering my thoughts… The great Anita Linda has passed away this morning at 6:15AM. Prayers for her soul,” saad ni Alix.

Ang namayapang haligi ng Philippine Cinema ay itinuturing na “oldest active actress” sa buong Pilipinas.

Nauilila ng personalidad ang kaniyang mga apo at dalawang anak na si Francesca Legaspi at Fred Osburn.

Nakatakda sanang magdiwang ng ika-96 na kaarawan sa Nobyembre si Anita Linda o Alice Buenaflor Lake sa totoong buhay.

Dekada ’70 nang magwagi si Anita bilang best supporting actress sa FAMAS para sa mga pelikulang “Tatlo, Dalawa, Isa” at “Ang Babae sa Bubungang Lata,” dahilan upang itampok siya na pinakamatandang aktres na nakakuha ng nasabing parangal.

Ilan pa sa mga award-winning movies na nagawa niya ay “Takaw Tukso,” “Lola,” “Alix,” at “Circa.”

Nasungkit din ni Anita ang “Lifetime Achievement Award” ng Gawad Urian noong 1982.

Kinilala naman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga natatanging kontribusyon niya sa industrya ng pelikula nitong 2019.

Facebook Comments