Kalibo. Aklan – Hihilingin ng Aklan Provincial Health Office PHO-Aklan ang serbisyo ng mga doctors at
medical workers mula sa Aklan Medical Society at Philippine College of Physician kung tumaas ang kaso
ng Corona Virus Disease 2019 o COVID0-19 sa Aklan.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon Jr. Provincial Health Officer 1, meron silang 4 na COVID-19 patients, at
ang duty ngayon ng mga nurses, attendants, doctors, at health personnel ng Aklan provincial hospital
COVID isolation ward ay round the clock o 12 hours bago ang palitan.
Hindi aniya nila kakayanin kung madagdagan pa ang kaso ng nasabing sakit sa Aklan kaya ang nasabing
kahilingan ay ipinaabot na niya sa Aklan Medical Society at Philippine College of Physician para handa
ang PHO-Aklan pag dumating ang worse case scenario kontra COVID-19…
VOLUNTEER DOCTORS AT MEDICAL WORKERS HIHILINGIN NG PHOPAGDUMAMI ANG KASO NG COVID-19 SA AKLAN
Facebook Comments