Wala pang konkretong kasunduan sa pagitan ng Commission on Elections (COMELEC) at mga electronic money transfer companies o e-money transfers para masubaybayan ang mga aktibidad sa pagbili ng boto.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, mahirap maglabas ng patunay laban sa vote buying gamit ang e-money transfers ngunit sinosolusyunan na ito ng COMELEC.
Dagdag pa ng opisyal na ang pagbibigay ng pera sa mga kalye ay ibang senaryo sa e-payment.
Matatandaang naging talamak ang paggamit ng e-money transfer sa panahon ng pandemya kung saan ilang lokal na pamahalaan din ang gumamit nito upang mamahagi ng ayuda.
Gayunpaman ay sinabi pa ni Jimenez na ang depinisyon ng vote-buying ay nangyayari lamang sa panahon ng halalan.
Samantala, hinikayat naman ni jimenez ang publiko na kaagad na i-ulat sa COMELEC ang anumang makikitang paglabag sa panahon ng kampanya.