DOH, nakapagtala ng higit 3,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 3,651 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 3,574 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3, 472, 176 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 96,326 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 12,834 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3, 472,160 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,690 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 69 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 7 habang may tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments