
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na kanilang tinututukan ang mga isla na gumagamit ng diesel sa kanilang power generation.
Sinabi ni Energy Sec. Sharon Garin na patuloy nilang hinahanapan ng paraan para makakuha ng mas murang diesel ang mga isla para hindi lumaki ang kanilang gastos sa operasyon.
Sa kabila nito, nanindigan si Garin na walang magaganap na power interruption sa bansa sa kabila ng mataas na presyo ng diesel.
Muling nilinaw ni Garin na ang enerhiya ng bansa ay hindi nakasalalay sa diesel at 3% lamang ng supply ny kuryente sa bansa ang umaasa sa diesel.
Sa ngayon, ang imbentaryo ng diesel sa bansa ay nasa 49 araw, habang 54 na araw sa gasolina, 104 araw ang keronese at 67 araw ang jet fuel.
Facebook Comments










