Saturday, March 7, 2026

VP Sara Duterte, duda kung may magaganap na halalan sa 2028

Duda si Vice President Sara Duterte kung magkakaroon pa ng halalan sa 2028.

Sa ambush interview sa Davao City, sinabi ni VP Sara na duda siya sa mga galaw ng administrasyon na tila aniya ayaw nang bumaba sa pwesto ng Pangulong Bongbong Marcos.

Iginiit din ni VP Sara na wala nang direksyon ang Pilipinas sa harap ng pagkakalubog nito sa baha, paglubog ng ekonomiya at maraming problema sa katiwalian sa gobyerno.

Sa kabila nito, wala namang nakikitang masama si VP Sara sa planong pagtakbo sa 2028 ni presidential election ni Naga City Mayor Leni Robredo o di kaya ni Senadora Risa Hontiveros.

Facebook Comments