VP Sara Duterte, nanawagan sa pamahalaan na ayusin ang consular services sa sa pinoy workers kasabay ng pagdiriwang ng OFW month

Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang pamahalaan na palakasin ang support system sa Overseas Filipino Workers (OFW’s).

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni VP Sara ang mas maayos na consular services, mental health resources, at reintegration programs para sa Pinoy workers.

Layon nito na matiyak na protektado ang karapatan ng OFWs at makikilala ang kanilang sakripisyo.

Ipinaabot din ni VP Sara ang kanyang pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa ekonomiya sa bansa.

Gayundin ang kanilang sakripisyo sa pagpapadala ng remittance na nag-aangat sa milyon-milyong pamilya.

Aniya, hindi madali ang pinagdadaanan ng Pinoy workers lalo na’t sila ay malayo sa pamilya at humaharap sa hamon ng magkaibang kultura.

Facebook Comments