Alinsunod sa direktiba ng Energy Regulatory Commission, ipatutupad ng Pangasinan I Electric Cooperative ang suspensyon sa diskoneksyon ng kuryente sa lahat ng apektadong residential at non-residential member-consumers sa billing month Nobyembre at Disyembre ngayong taon.
Ito ay base sa naging deklarasyon ng State of National Calamity noon pang pananalasa ng Bagyong Tino na nakakaapekto sa kakayahang makapag hanapbuhay ng mga residente.
Ayon sa pamunuan, mayroong flexible payment options ang mga kabahayan na hindi hihigit sa 100 kWh ang konsumo kada buwan na maaaring ipagpaliban ang pagbabayad o 2 equal installments.
Paalala rin sa mga member-consumer ang pakikipag-ugnayan sa opisina para sa anumang paglilinaw sa mga electricity bills. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









