Kalibo, Aklan – Ipinakilala ng World Health Organization WHO sa Provincial Health Office PHO-Aklan ang web application na Facility Readiness and Services Availability Assessment o FReSAA para sa collection at management ng health data. Aniya ang nasabing aplikasyon ay may kapasidad na bumuo ng dashboard para sa data visualization at automatically compute data basi sa bilang ng impormasyon mula sa isang pasilidad pangkalusugan. Ang bago umanong teknolohiyang ito ay nakitaan ng malaking tulong sa PHO lalo na sa pamamahala ng health data, para sa pagsusuri, epektibong plano at mga layunin sa paggawa ng polisiya o patakaran. Ang FReSAA aniya ay planong ipapatupad sa mga pili munang pasilidad pangkalusugan sa susunod na taon, bago ang implementasyon nito sa buong lalawigan.
Facebook Comments