NUP sa Kamara, inirekomendang maging susunod na speaker si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez

Nagkasundo ang National Unity Party (NUP) sa Kamara na irekomenda bilang susunod na Speaker ng 19th Congress si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Nagpahayag ng suporta ang mga mambabatas ng NUP para sa isinusulong na Speakership ni Romualdez na siya namang Lakas- Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) President.

Ayon kay NUP Spokesperson Reginald Velasco, nagsagawa ng konsultasyon ang mga miyembro ng partido sa Kamara at “unanimously” ay nagkasundo na ang iendorsong Speaker sa susunod na Kongreso ay si Romualdez.


Pinagbatayan ng kanilang desisyon ang pagkilala sa katangi-tanging serbisyo ni Romualdez bilang Majority Leader ng 18th Congress at ang napatunayan naman na nitong kakayahan na mapagkaisa ang maraming political parties sa Kamara.

Sa darating na 19th Congress, isa ang NUP sa mga partido na may pinakamalaking political parties.

Facebook Comments