World tour concert ni Ariana Grande, sinuspendi na

131

World – Sinuspinde na ng American singer na si Ariana Grande ang kanyang world tour matapos suicide bomber sa kanyang concert sa Manchester England.

Sa naturang insidente nasa 22 katao ang nasawi habang mahigit sa 50 ang nasugatan.


Sa ulat ng TMZ, sinasabing hindi na matutuloy ang concert ni Ariana na nakatakda sana sa London sa Huwebes (London time).

Hindi na rin matutuloy ang concert nito sa Belgium, Poland, Germany at Switzerland.

Nakatakda rin sanang mag-concert si Ariana sa Pilipinas sa Agosto ngunit dahil sa deklarasyon ay posibleng maapektuhan rin ito.

DZXL558




Facebook Comments