Saturday, May 30, 2026

₱1,500 na fuel subsidy ng mga jeep at UV express, dapat magamit kada linggo — DOTr

Hindi maaaring ipunin o i-carry over sa susunod na linggo ang ₱1,500 na subsidiya ng mga tsuper ng jeep at UV Express kung may matira rito.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na kailangang magamit ang buong subsidiya sa loob ng isang linggo o limang araw.

Ayon sa DOTr, walang ipatutupad na carry-over system sa fuel discount na nagkakahalaga ng ₱10 kada litro.

Nitong Martes, April 14, 2026, nagsimula na ang naturang fuel subsidy na tatagal ng tatlong buwan.

Una itong ipinatupad sa Metro Manila kung saan 52 gas stations ang kalahok.

Aabot sa 171,000 jeep at UV Express units sa buong bansa ang sakop ng programa, kabilang ang 33,000 units sa NCR.

Facebook Comments