Wednesday, May 27, 2026

Umano’y data breach sa voter information, pinabulaanan ng COMELEC

Itinanggi ng Commission on Elections (COMELEC) na nakompromiso ang datos ng mahigit 83 milyong botante sa bansa.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang alegasyong nagkaroon umano ng data breach sa kanilang sistema.

Ayon sa COMELEC, walang anumang data breach na nangyari at nananatiling kumpleto at ligtas ang datos at impormasyon ng mga botante sa kanilang database.

Nagsagawa rin umano agad ng beripikasyon at imbestigasyon ang COMELEC Information Technology Department Security Incident Response Team kaugnay ng usapin.

Samantala, hinikayat ng poll body ang publiko na maging mapanuri at maingat sa mga nakikita online upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Facebook Comments