
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na inihahanda na nila ang isasampang money laundering case laban kay House Speaker Martin Romualdez.
Ani Remulla, ito na ang pinaka mabigat na kaso na kakaharapin ni Romualdez dahil sa malawakang sabwatang nangyari upang makulimbat ang kaban ng bayan.
Kabilang si Romualdez sa ilang mambabatas na umano’y nagpakana upang mailusot ang budget insertions sa multi-billion flood control anomalies.
Nauna nang itinanggi ng dating speaker ang alegasyon at nagbantang hindi niya papayagan na gagawin siyang tagasalo ng kasalanan ng iba.
Facebook Comments










