
Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na namataan si Atong Ang sa Calabarzon dalawang linggo na ang nakalilipas.
Magugunita na una nang inihayag ni Remulla na muntik na nilang masukol ang pangunahing akusado sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Remulla, nagpapalipat-lipat si Ang ng mga taguan kada tatlo hanggang limang araw para iwasan ang pag-aresto.
Una nang inihayag ng DILG chief na may mga ulat na maaaring namataan si Ang sa Vietnam.
Gayunman, nananatili aniyang hindi beripikado ang mga naturang hilaw na intelligence information.
May kinakaharap na mga warrant of arrest si Ang at iba pa niyang mga akusado dahil sa maraming bilang ng kidnapping with homicide at kidnapping at serious illegal detention kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero.










