
Cauayan City – Binigyang pagkilala ng Local Government Unit of Cauayan City ang mga kabataang Cauayeño na lumahok sa iba’t-ibang patimpalak noong nakaraang buwan.
Kabilang sa nakatanggap ng parangal at pagkilala ang mga estudyanteng delegado na lumahok sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA), National Schools Press Conference (NSPC), at National Festival of Talents (NFOT).
Bilang pagkilala sa kanilang tagumpay, pinagkalooban ng cash incentives ang mga nanalong estudyante kung saan P10,000 para sa gold, P7,000 para sa silver, at P5,000 para sa bronze medalists ang natanggap ng mga ito.
Layunin ng lungsod na bigyang-halaga ang husay at dedikasyon ng kabataang Cauayeño sa iba’t ibang larangan.
Kasabay nito, kinilala naman sina Mayor Caesar “Jaycee” Dy at Vice Mayor Benjie Dy bilang Outstanding Mayor at Vice Mayor sa Most Livable Cities, habang ginawaran naman ang lungsod bilang Certified Most Sustainable at Most Livable City.
Ang karangalang iniuwi ng mga natatanging Cauayeño sa lungsod ay patunay na hindi sila nagpapahuli pagdating sa pagpapakita ng kanilang angling galing at talento sa larangan man ng sports at akademiko.










