Tuesday, May 26, 2026

SP Cayetano, nanawagan sa mga senador na tutukan na ang mga problema ng bayan

Hinimok ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mga kapwa senador na pagtuunan na ng pansin ang mga problema ng bayan.

Ang pahayag ni Cayetano ay kaugnay sa pagkilos ng minorya sa Senado para ikudeta ang kanyang liderato.

Apela ng kasalukuyang Senate President, pagbalingan na ang mga usapin sa ekonomiya, agrikultura, kalusugan, edukasyon at iba pang isyu ng bayan.

Sa manifestation ni Cayetano sa plenaryo, ipinaalala nito na hawak nila ang beat o ang direksyon ng paguusapan sa mataas na kapulungan dahil bawat sabihin nila ay balita.

Sinabi pa ni Cayetano na kung may 13 o higit pang bilang ang minority, handa siyang magbigay daan at kahit siya pa ang manguna sa pagpapanumpa ng ipapalit sa kanya.

Matatandaang umangal si Cayetano dahil mula nang manungkulan bilang Senate President ay naging bukambibig na aniya ng minorya na palitan siya sa pwesto.

Para naman makausad ang kapulungan, inimbitahan ni Cayetano ang lahat ng mga senador sa caucus mamayang hapon para talakayin ang paghahanda sa impeachment trial at ang mga panukalang batas na ihahabol bago mag sine die adjournment ang kongreso sa susunod na linggo.

Facebook Comments