Monday, May 25, 2026

KONSTRUKSIYON WORKER,PINAGTATAGA SA ESKINITA SA VIGAN DAHIL SA UMANO’Y MATAGAL NANG ALITAN

Sugatan ang isang construction worker matapos pagsasaksakin ng umano’y kaalitan habang pauwi sa kaniyang bahay sa Vigan City, Ilocos Sur gabi ng Mayo 23.

Ayon sa pulisya, naglalakad ang biktima sa isang eskinita patungo sa kaniyang tirahan nang bigla umano siyang sundan at saksakin ng suspek na residente rin ng lungsod.

Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa kanang bisig, kaliwang bahagi ng ulo malapit sa tainga, at kaliwang earlobe dahilan upang agad itong isugod ng mga rumespondeng personnel ng CDRRMO sa ospital.

Mabilis namang naaresto ng mga pulis ang suspek matapos ang insidente at isinailalim din ito sa medico-legal examination bago dinala sa Vigan City Police Station.

Narekober sa pinangyarihan ang isang patalim na may habang tinatayang 33 sentimetro na hinihinalang ginamit sa pananaksak.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na matagal nang alitan umano ang ugat ng pananaksak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments