Thursday, May 28, 2026

𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

CAUAYAN CITY- Nagkaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Santa Maria at ang Department of Health – Cagayan Valley Center for Health Development sa pagsasagawa ng Dengue Prevention and Control Fora upang higit pang paigtingin ang kampanya laban sa dengue.

Tinalakay sa programa ang mga pangunahing hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng dengue tulad ng regular na paglilinis ng kapaligiran, tamang pagtatapon ng basura, pag-aalis ng mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok, at pagpapatupad ng “4S kontra dengue” campaign ng DOH.

Ayon sa mga health authorities, ang pakikipagtulungan ng bawat barangay ay mahalagang susi upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue lalo na ngayong tag-ulan.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na maging aktibo sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran upang maprotektahan ang bawat pamilya laban sa dengue at iba pang sakit.

Facebook Comments