Humantong sa pagpapasara ang isang poultry farm sa Aguilar noong Mayo 26, matapos umano nitong hindi sumunod sa patakaran ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa LGU, ilang beses nang binigyan ng pagkakataon ang naturang establisimyento na sumunod sa mga itinakdang regulasyon.
Sa kabila nito, nakita parin ang paglabag dahilan ng tuluyang pagpapatupad ng closure order.
Noong Mayo 8, lumabas sa isinagawang pagsusuri ng Joint Inspection Team kasama ang mga opisyal ng barangay na may mga rekomendasyong kailangang tugunan ng poultry farm ngunit hindi ito binago ng kinauukulang tanggapan.
Dahil dito, nagbabala ang LGU sa iba pang poultry operators sa bayan na maaaring humantong din sa kaparehong aksyon ang hindi pagsunod sa mga umiiral na ordinansa at regulasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










