
Cauayan City – Isang makulay at makasaysayang fluvial parade ang idinaos sa bayan ng Angadanan bilang bahagi ng Gakit Festival 2026.
β
βTampok sa parada ang mga balsa na hango sa Philippine Mythology na nilahukan ng ibaβt ibang barangay.
β
βIpinakita sa naturang selebrasyon ang husay ng mga kalahok sa paglikha ng mga disenyo na sumasalamin sa alamat at mitolohiyang Pilipino, na naging sentro ng pagdiriwang.
β
βKinilala naman bilang kampeon ang grupong Bulalakaw mula sa Brgy. Esperanza, Brgy. Consular, Brgy. Ingud Sur at Norte, at Brgy. San Ambrocio matapos humanga ang mga hurado sa kanilang konsepto at presentasyon.
β
βNakuha rin ng grupong Amihan na kinabibilangan ng Brgy. Campanario, Brgy. San Vicente, Brgy. San Isidro, at Brgy. Dalenat ang 1st runner-up.
β
βsinundan ito ng grupong Libulan bilang 2nd runner-up mula sa mga barangay na Dalakip, Cumu, San Guillermo, Fugaru.
β
β3rd runner-up naman ang grupong Apolaki na kinabibilangan ng Brgy. Pissay, Brgy. Baui, Brgy. Kalusutan, Brgy. Macalauat, habang ang Diwata naman ang 4th runner-up na nilakuhan ng Brgy. San Roque, Brgy. Victory, Brgy. San Marcelo, Brgy. La Suerte, at Brgy. Buenavista.
β
βAyon sa mga organizers, ang Gakit Festival ay hindi lamang patimpalak kundi isang makabuluhang pagdiriwang na nagtatampok sa kultura, talento, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Angadanan.
Facebook Comments










