Tuesday, April 21, 2026

Paglawak ng presensiya ng China sa West Philippine Sea, kinondena ng ilang grupo

Mariing kinondena ng ilang grupo ang patuloy na pagpapalawak ng presensiya ng China sa ilang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Tinuligsa rin ng grupo ni Chairman Emeritus Jose Antonio Goitia ang umano’y pagpigil ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal, kahit nasa loob ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kinondena rin ang mga ulat ng patuloy na pagpapalawak ng presensiya ng China sa iba pang bahagi ng karagatan, kabilang ang umano’y pagpapatayo ng airbase sa Antelope Reef.

Ayon sa Foundation for Defense of Democracies, bahagi ito ng tinatawag na “gray-zone strategy”—mga hakbang na hindi direktang komprontasyon ngunit may layuning unti-unting baguhin ang umiiral na sitwasyon sa dagat.

Paliwanag ni Goitia, matagal nang malinaw ang usaping legal kung saan ang 2016 Arbitral Award sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea ay nagpasya na walang sapat na batayan ang malawak na “historic rights” na inaangkin ng China sa loob ng tinatawag na nine-dash line.

Dahil dito, suportado ni Goitia ang paninindigan ng Pilipinas at ng Philippine Coast Guard, lalo’t ang West Philippine Sea ay mahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming mangingisda at komunidad

Facebook Comments