Wednesday, May 20, 2026

Second round ng ayuda para sa mga vulnerable sectors, pinag-aaralan na ng DSWD

Pinag-aaralan pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibleng ikalawang bugso ng cash assistance para sa iba pang vulnerable sectors na naapektuhan ng kasalukuyang krisis sa enerhiya.

Sa ambush intervew sa Quezon City, sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na sinusuri na kung sinu-sinong sektor pa ang maaaring mabigyan ng tulong dahil marami rin ang tinatamaan ng pagtaas ng presyo ng langis at epekto ng energy emergency.

Kaugnay naman ng usapin sa posibleng ayuda para sa middle class, ipauubaya na aniya ng kalihim sa Department of Economy, Planning, and Development ang paliwanag hinggil dito.

Sa ngayon, prayoridad muna ng pamahalaan na tapusin ang unang round ng pay-out para sa mga public utility driver upang matiyak na walang tsuper ang maiiwan sa ayuda.

Facebook Comments