
βCauayan City – Masayang ibinahagi ni Alcala, Cagayan Mayor Cristina βTinβ Antonio ang pamumulaklak ng mga salinggogon trees na itinanim ng lokal na pamahalaan sa kahabaan ng national highway ng bayan.
βSa Facebook post ng alkalde, makikita ang hitik at makulay na bulaklak ng mga punong nagbibigay ganda sa paligid.
βAng pagtatanim ng mga puno ay bahagi ng programang Green Wall of Alcala, isang carbon credits initiative ng LGU na naglalayong matamnan ng native trees ang higit 110 planting sites sa bayan na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan at maitaguyod ang mas luntiang pamumuhay.
βMula 2021, umabot na sa 1,917 ang naitanim na salinggogon trees mula Barangay Baybayog hanggang Barangay Piggatan, kung saan 1,628 ang matagumpay na nabuhay, o 85% ang survival rate, ayon sa datos ng LGU.
βHinikayat ni Mayor Antonio ang publiko na makiisa sa reforestation efforts ng pamahalaan upang mas mapangalagaan ang kapaligiran.
βAng salinggogon o may scientific name na Cratoxylum formosum ay isang native tree sa Pilipinas, at may pagkakahawig sa cherry blossom ng Japan.
βBukod sa Alcala, matatagpuan din ito sa Rizal, Bulacan, Polilio, Mindoro, Guimaras, Negros, at Mindanao.
βSource: Cagayan PIO
photo: Mayor Tin Antonio










