PAMAHALAANG LUNGSOD NG DAGUPAN CITY PINAYUHAN ANG 49 VENDORS PARA SA MAAYOS NA KALAKALAN SA DARATING NA KALUTAN ED DALAN

Nagbigay payo ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan City para sa maayos at organisadong pagbebenta ng 49 na vendors na lalahok sa Kalutan ed Dalan 2026 at Bangusan Street Party sa Abril 30, 2026.

Ito ay matapos ang isinagawang dayalogo noong Abril 27 sa mga vendors para sa selebrasyon ng Bangus Festival.

Kasama sa koordinasyon ang City Market Division, Waste Management Division, at Task Force Anti-Littering para sa pagtatalaga ng tamang pwesto, kalinisan ng paligid, at pagsunod sa mga patakaran.

Ayon sa Local Government Unit (LGU), inaasahang na magiging organisado ang partisipasyon ng mga vendor sa isa sa pinakamalaking street celebration sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments