₱31 MILYONG AYUDA, INAPRUBAHAN PARA SA MGA EVACUEE SA LA UNION

‎Mahigit ₱31 milyon na tulong mula sa pambansang pamahalaan ang inaprubahan para sa mga residenteng napilitang lumikas matapos ang matinding epekto ng tuloy-tuloy na pag-ulan at masamang panahon sa lalawigan ng La Union.

‎Ayon kay La Union First District Representative Francisco Paolo Ortega V, umabot na sa mahigit dalawang linggo ang pag-ulan, na tinatayang lumampas sa dami ng ulan na karaniwang nararanasan sa loob ng dalawang buwan.

‎Sa kabila nito, nakatulong umano ang mga drainage system sa ilang lugar upang maiwasan ang matagal na pag-ipon ng tubig at stagnant flooding.

‎Samantala, tinatayang higit ₱74 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa epekto ng matinding pag-ulan at pagbaha.


‎Inihahanda rin ang kahilingan para sa pondo mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagkukumpuni ng mga nasirang kalsada at flood control infrastructure sa bayan ng San Juan.


‎Kasama rin sa mga planong solusyon ang mga drainage project sa paligid ng Robinsons Place La Union at bypass road na tinatayang mangangailangan ng ₱70 milyon hanggang ₱78 milyon na pondo.

‎Layunin nitong matugunan ang problema sa pag-apaw ng ilog at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa mga apektadong lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments