TOP 3 MOSTWANTED SA TAYUG, ARESTADO SA KASONG HOMICIDE

Arestado ang isang 60-anyos na lalaki na kabilang sa Top 3 Most Wanted Person sa municipal level sa Tayug, Pangasinan matapos ipatupad laban sa kanya ang warrant of arrest noong Agosto 17.

Ayon sa Tayug Municipal Police Station, residente ng nasabing bayan ang akusado at nahaharap sa kasong homicide sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code.

Isinagawa ng mga tauhan ng Tayug MPS ang pag-aresto sa bisa ng warrant na inilabas ng korte.

Nagtakda naman ang korte ng ₱120,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado habang dinidinig ang kaso.

Matapos ang pag-aresto, isinailalim ang akusado sa kaukulang proseso at dokumentasyon ng pulisya bago ang kanyang disposisyon alinsunod sa kautusan ng korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments