
Nasa mahigit P1.8 billion na karagdagang pondo ang inilabas ng Department of Budget and Management para sa Philippine General Hospital.
Ayon sa DBM, kabuuang P1.855 billion ang ilalaan kung saan P1.040 billion dito ang para sa medical services.
Habang nasa P800 million naman ang para sa Universal Health Care Fund para sa pagpapatupad ng Zero Balance Billing.
Layunin anila nito na mabawasan ang gastusin ng mga kwalipikadong pasyente alinsunod na rin sa Universal Health Care Act.
Ayon kay DBM Acting Secretary Kim Robert De Leon, sa pamamagitan ng dagang pondo mababawasan ang pasakit para sa mga pamilyang may kailangang magpagamot.
Alinsunod anila ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihing prayoridad ng pamahalaan ang serbisyong pangkalusugan at iba pang serbisyo publiko.
Ang PGH ay isang pambansang university hospital at pangunahing referral center ma tumatanggap ng mga pasyenteng nangangailangan ng iba’t ibang kumplikado at specialized na serbisyong medikal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.










