
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na agad silang magbibigay ng tulong sa libo-libong magsasakang naapektuhan ng pag-ulan dulot ng Bagyong Luis.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel De Mesa, sa ngayon ay umanot na sa 21,000 magsasaka ang apektado ng mga pag-ulan.
Ang mga magsasaka ay makatatanggap ng tulong sa ilalim ng Indemnification Program ng pamahalaan.
Aniya, may nakahanda na ring mga binhi at pataba sa mga regional offices ng DA para sa mga magsasakang nais nang makapagtanim muli.
Una rito, naglabas na ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) Ng P36 million na halaga ng insurance payout para sa mga magsasakang labis na naapektuhan ng bagyo at habagat.
NASA 5,005 na magsasakang insured ang sakahan na napinsala ng mga Bagyong Luis at Maymay, gayundin ng habagat ang makikinabang sa tulong.
Base sa ulat ni PCIC President Jovy Bernabe kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., inatasan na ng state crop insurer ang mga regional office nito na magsagawa ng validation sa mga pinsala at pabilisin ang pagproseso ng mga claim.
Batay sa inisyal na pagtataya, umabot sa P35.67 milyon ang insured damage sa anim na rehiyon kabilang na ang Region III o Central Luzon, Region I o Ilocos Region, Region IV-B o MIMAROPA, CALABARZON, Region II o Cagayan Valey at Region VI Western Visayas.










