DAGUPAN, NASA YELLOW WARNING LEVEL DAHIL SA HABAGAT; 50–100 MM NA ULAN, POSIBLENG MARANASAN PA RIN

Nasa Yellow Warning Level ang Dagupan City sa Heavy Rainfall Outlook bunsod ng patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Batay sa 24-Hour Rainfall Forecast ng DOST-PAGASA, posibleng umabot sa 50 hanggang 100 millimeters ang accumulated rainfall sa lungsod sa loob ng forecast period.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa posibleng pagbaha, partikular sa mabababang lugar at mga komunidad na nakaranas na ng pagbaha nitong mga nakaraang araw.

Samantala, batay sa 24-hour rainfall monitoring ng Pangasinan PDRRMO, nakapagtala ang Dagupan City ng 15.88 millimeters na ulan mula alas-8 ng umaga ng Agosto 15 hanggang alas-8 ng umaga ng Agosto 16.

Mas mataas naman ang naitalang ulan sa Baguio City sa parehong panahon na umabot sa 49.4 millimeters.

Patuloy na hinihikayat ang mga residente na bantayan ang mga opisyal na weather advisory at rainfall update mula sa DOST-PAGASA at mga lokal na disaster risk reduction and management offices, lalo na habang patuloy ang epekto ng Habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments