IKALAWANG ARAW NG LIBRENG SAKAY NG IFM DAGUPAN, UMARANGKADA

Muling naghatid ng libreng pamasahe at saya sa mga commuters ang 104.7 iFM Dagupan sa pagpapatuloy ng libreng sakay para sa mga bumibiyahe ng Calasiao patungong Dagupan City at vice-versa.


‎Hatid ng programa ang dagdag na malasakit sa mga commuters lalo na ngayong maulan ang panahon at mas mahirap makasakay ng pampublikong transportasyon.

‎Kaya naman bukod sa libreng pamasahe, naging mas masaya ang biyahe dahil lahat ng sumakay ay naabotan ng sabon na Shield Bathsoup galit sakit, may malasakit.

‎Sa kahabaan ng biyahe, nagkaroon din ng mga palaro, kung saan 100 commuters ang nagwagi ng tig-P150. Samantala, tatlo naman ang pinalad na nag-uwi ng tig-limang kilo ng bigas at gift pack ng Shield Bathsoap.

‎Sa pamamagitan ng libreng sakay, patuloy na ipinapakita ng iFM Dagupan at ACS Manufacturing Corporation ang malasakit sa mga commuters sa pamamagitan ng serbisyong may kasamang saya at tulong sa araw-araw na pagbiyahe umulan man o umaraw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments