₱5K AYUDA, IBINIGAY NG DSWD SA ABOT 1,000 TRICYCLE DRIVERS SA SAN FABIAN

Umabot sa 968 na tricycle drivers ang tumanggap ng tig-₱5,000 na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Abril 16, 2026.

Ayon sa ulat, ang naturang ayuda ay tugon sa pagtaas ng presyo ng petroleum products sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.

Matatandaang kabilang sa nakatanggap ng kaparehong ₱5,000 cash aid ang humigit-kumulang 4,218 tricycle drivers sa Urdaneta City, habang nasa 1,396 drivers naman sa Mangaldan at ilan pa sa mga bayan ng Binalonan at Asingan,ang nabigyan din ng parehong tulong.

Kaugnay nito, pinangunahan ng DSWD Regional Office ang payout, katuwang ang mga lokal na tanggapan upang magin organisado at maibigay sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang ayuda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments